Naihatid na sa kaniyang huling hantungan ang namayapang komedyante na si Ate Gay.
Sa social media account ay ibinahagi ng kaniyang pamilya ang puntod ng aktor na si Gil Aducal Morales sa tunay na buhay.
Makikita sa larawan ang puntod nito sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna.
Magugunitang pumanaw ang aktor noong Nobyembre 1 matapos na siya ay na-stroke.
Na-diagnosed naman ang aktor ng Stage 4 cancer k ung saan noong Nobyembre 2025 ay masayang ipinamalita nito na graduate na siya sa radiation t chemotherapy.
Nitong nakaraang buwan ay nagsagawa ito ng “Living Funeral” kung saan napakinggan niya ang mga mensahe ng mga pamilya at kaanak nito habang siya ay buhay pa.
Subalit matapos ang ilang araw ay naitakbo siya sa pagamutan kung saan umabot ng ilang milyong piso ang naging halaga ng kaniyang hospital bill.
Nagsimula ang career ng aktor sa isang comedy bar bago ito nakasama sa ilang mga pelikula.
















