-- Advertisements --

Inaasahang makakapekto ang northeast monsoon o amihan sa bansa ngayong Martes, habang papalayo ang Typhoon Cempaka sa Philippine Area of Responsibility ayon sa state weather bureau.

Dagdag pa ng Philippine Atmosphere Geophysical and Astronomical Services Administration na asahan din na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan ang Aurora, Quezon, at Camarines Norte.

Habang ang Cagayan Valley naman at ang Cordillera Administrative Region ay makakaranas ng mahihinang pag-ulan.

Maulap na kalangitan hanggang sa maulap na kalangitan at ilang mahihinang pag-ulan ang aasahan sa Metro Manila at maging sa natitirang bahagi ng Luzon dahil pa rin sa Amihan.

Maulap na kalangitan at kalat-kalat naman na pag-ulan na may kasamang thunderstorm ang mararanasan sa bahagi ng Caraga, Davao Region, Eastern Samar, Southern Leyte, Bohol, Misamis Oriental at Camiguin.

Ayon sa state weather bureau matatagpuan ang Cempaka sa layong 1,590 km sa Hilagang-silangang bahagi ng Luzon sa bahagi ng Philippine Area Responsibility at gumagalaw naman sa Silangang-hilaga na may bilis na 20 kilometro kada oras.

Napapanatili ng bagyo ang bilis ng hangin na aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 185 kilometro kada oras.