-- Advertisements --

Handang-handa na si Pinoy boxer Pedro Taduran sa laban niya kay Brandon Moreno ng Spain.

Gaganapin ang IBF minimumweight title defense ni Taduran sa sa Kiva Stadium sa Albuquerque, New Mexico ngayong araw ng Linggo.

Tumimban si Taduran ng 104 pounds habang ang 33-anyos na si Moreno ay eksaktaong 105 lbs na minimum limit.

Naging hamon ngayon kay Taduran ang laban dahil hindi niya nakasama ang trainer nito na si Carl Penalosa matapos na magkaproblema ang kaniyang visa.

Kapalit nito ngayon ay ang beteranong trainer na si Joven Jimenez na siyang nagsanay kay dating IBF super-flyweight champion Jerwin Ancajas.

Ito na ang pang-apat na beses na idedepensa ni Taduran ang titulo na kaniyang nakamit ng talunin si Ginijiro Shigeoka ng Japan noong 2024.

Mayroong 20 panalo na may apat na talo at 14 knockouts si Taduran habang si Moreno ay mayroong 16 na panalo at walang talo na may limang KO.