Kinansela na ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang kaniyang nakatakdang biyahe sana sa France.
Ayon kay Remulla na ang patuloy na kilos protesta sa nasabing bansa kaya minabuti niyang kanselahin ang biyahe.
Magtutungo sana ito sa France para makipagpulong sa mga opisyal doon dahil sa ilang mga mataas na opisyal ng Pilipinas ang umanoy nagtatago doon.
Noong Setyembre kasi ay inanunsiyo ni Remulla na magtutungo siya sa France para humingi ng tulong sa mga opisyal doon at hanapin sina dating Ako Bico Partylist Rep.Zaldy Co, Senator Loren Legarda at anak nitong si Batangas Rep. Leandro Leviste.
Dagdag pa ni Remulla na itinakda sana ang kaniyang biyahe sa darating na Nobyembre 17 subalit dahil sa kaguluhan ay minabuti niyang huwag na itong ituloy.
Mula pa noong 2025 ay wala na sa Pilipinas sa Co at itinuturing ng batas na ito ay pugante kung saan nahaharap siya sa kasong graft at malversation sa Sandiganbayan dahil sa iregularirdad at conflict of interest dahil sa P299.4 milyon flood control project sa Nuajan, Oriental Mindoro.
Base sa pinakahuling impormasyon ng Ombudsman, ay nagtatago sa France si Co at humihingi ito ng asylum doon.
Habang noong Agosto 2 ay umalis palabas ng bansa si Legarda matapos na ibunyag ng Office of the Ombudsman na siya ay iniimbestigahan dahil sa umanoy bigong maisakatuparan ang nasa kontrata sa gobyerno ng solar power company na pag-aari ng anak.
Dahil dito ay pinalawig pa ni Senador ang kaniyang medical leave kung saan hindi na ito nakadalo sa mga impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.














