-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Krakow City sa bansang Poland.

Ang suspek na isang Polish Citizen ay nagmamaneho ng kaniyang sasakyan at dumiretso sa Main Market Square at doon ay walang habas siyang nagsimulang mamaril.

Maraming katao rin ang nasugatan sa insidente mula sa pamamaril ng suspek na nakasuot pa umano ng isang uniporme ng isang sundalo.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek kung saan gamit nito ang isang military type na baril kung saan nakadiskubre ang mga ito ng ilang baril sa sasakyan niya.

kabilang din sa nasugatan sa insidente ang dalawang pulis na rumesponde.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril at hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.