Nangako ang House Committee on Agriculture and Food na babantayan ang mga nabunyag na maling coordinate sa mga farm-to-market-roads (FMR) na nakapaloob sa panukalang 2027 national budget.
Kasama rito ang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa mga naturang proyekto upang tukuyin ang katotohanan sa likod ng mga ito.
Ayon kay committee chair at Quezon City Rep. Mark Enverga, nais ng Kongreso na matiyak na mapanagot ang mga responsable sa mga naturang panukala, masuri ang lawak ng pagkakamali, at masigurong hindi na mauulit ang kaparehong isyu.
Ayon sa mambabatas, ‘welcome’ para sa Agri and Food Committee ang pangako ni DA Sec. Francisco Laurel Jr. na susuriin ang lahat ng mga nakapaloob sa naturang isyu at tukuyin ang mga nasa likod nito.
Kasama ng DA sa naturang imbestigasyon ay ang ilang budget watchdog, ilan sa mga ito ay ang mismong nagbunyag sa pagkakamali sa mga naturang coordinate.
Nauna nang inamin ng DA na walo sa 1,669 na farm-to-market road projects sa National Expenditure Program (NEP) ang may maling coordinates dahil sa encoding errors o maling pagkaka-type ng isa o dalawang numero.














