Napatunayang guilty ang aktor na si Russel Brand dahil sa kasong rape at sexual assault.
Matapos ang apat na linggong pagdinig sa Southwark Crown Court sa London ay nailabas na ang hatol sa aktor na nahaharap sa kasong rape at three counts ng sexual assault.
Agad na kinustodiya ang aktor matapos na mabasa ang verdict at hindi ito pinayagan na mag-piyansa.
Sa araw ng Lunes mailalabas ang hatol laban sa 51-anyos na aktor.
Nagsimula ang kaso matapos na ireklamo ng 21-anyos na fan nito ang aktor na minolestiya ito noong 2009 noong nagkita sila sa isang show niya sa London.
Lumabas din sa hatol ng korte na guilty ang aktor dahil sa panghihipo sa isang MTV workers sa London noong 2004 ganun ang panghahalik at panghihipo saisang babae sa kaniyang trabaho noong 2005 at sexual assault sa isa pang babae noong 2009.
Sinabi ni judge Joel Bennathan na ang hatol ay kanilang napaghandaang mabuti.













