-- Advertisements --

Isang kilalang pulitiko sa Germany ang natagpuang patay sa kaniyang hotel sa Berlin nitong Miyerkules, ayon sa lokal na pulis.

Kinikilala ang biktima na si Hubert Aiwanger, 55 taong gulang, at naninilbihang deputy leader ng southern Bavaria state ng bansa.

Ayon sa lokal na pulisya, natagpuan ang nasabing pulitiko na wala nang buhay sa kaniyang hotel room sa Berlin-Mitte district.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing pulitiko at patuloy pa rin ang pagsagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad upang mapag-aralan ang kundisyon at kung maaari, pabulaanan ang anumang posibilidad ng pagkasangkot ng ibang tao hinggil sa pagkamatay nito.

Pinuno ng populistang partidong Free Voters si Aiwanger at ministro ng ekonomiya ng Bavaria.

Bumisita si Aiwanger sa Berlin para sana makibahagi sa pagbukas ng tanggapan ng kaniyang partido ngunit hindi na ito nakadalo sa programa dahil aniya’y masama ang pakiramdam nito.

Samantala, may dalawang anak na lalaki si Aiwanger at nanininirahan kasama ang kaniyang long time partner na si Tanja Schweiger.