-- Advertisements --

Lumalabas sa pag-aaral ng isang medical research journal na dapat na umanong ituring bilang global health emergency ang matinding init o mataas na lebel ng heat index.

Ito ay ayon sa naging pagsusuri ng isang respetadong medical research journal.

Sa naging pag-aaral mula taong 2016 hanggang taong kasalukuyan, napag-alaman na ang malaki ng epekto ng climate change sa kalusugan ng mga tao.

Ayon din sa tala ng World Health Organization na ang pagbagago ng klima sa mundo ay malaking banta sa buhay ng mga tao lalo na sa mga nakakaranas ng matinding init lalo na sa Pilipinas.

Sa ngayon ipinagpapatuloy na ng state weather bureau ang pagpapaalala sa publiko ng kasalukuyang heat index forecast sa bansa.

Sa ngayon napag-alaman na umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa iba’t-ibang probinsya ng bansa tulad ng Bacnotan sa La Union, Iloilo City, Dumangas sa Iloilo, Mabusao sa Capiz at Butuan City sa Agusan del Norte.

Inabisuhan naman ng ahensya ang publiko ang pag-inom ng sapat na tubig at pag-apply ng sunblock kung lalabas ng bahay sa pagitan ng mga oras na 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.