-- Advertisements --

Naglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong Executive Order (EO) na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagsuspinde at pagbabalik ng klase, mga aktibidad sa paaralan, at on-site work sa mga institusyong pang-edukasyon at learning centers.

Sa ilalim ng bagong kautusan, maaaring awtomatikong ipatupad ang suspensyon at pagbabalik ng klase at on-site work batay sa mga itinakdang teknikal na pamantayan.

Maaari ring magpatupad ng suspensNaglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Executive Order No. 130 na nagtatakda ng bagong panuntunan sa suspensyon at pagbabalik ng face-to-face classes, school activities, at on-site work sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa ilalim ng bagong kautusan, maaaring magpasya ang mga paaralan na magsuspinde ng face-to-face classes batay sa aktuwal na panganib sa kaligtasan ng mga estudyante at kawani, kung walang umiiral na suspensyon mula sa national government o lokal na pamahalaan.

Pinapayagan din ang mga paaralan na magpatuloy ng face-to-face classes kahit may umiiral pang suspensyon sa kanilang lugar. Gayunman, kailangan munang matiyak na ligtas nang pumasok ang mga estudyante at kawani, at makuha ang pagsang-ayon ng kinauukulang local chief executive.

Sa ilalim din ng EO 130, hindi nangangahulugan ng awtomatikong paghinto ng pag-aaral ang suspensyon ng face-to-face classes. Inaatasan ang mga paaralan na magpatuloy ng pag-aaral sa ibang paraan kung posible.

Inaamyendahan din ng kautusan ang Executive Order No. 66, series of 2012, na nagtatakda ng mga panuntunan sa suspensyon ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan tuwing may kalamidad at masamang panahon.

Matatandaang hiniling ng Department of Education sa mga lokal na pamahalaan na maging mas tiyak sa mga idinedeklarang suspensyon upang mapangalagaan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante.