-- Advertisements --

Umakyat ang Philippine tennis pride na si Alex Eala sa panibagong career-high rank na No. 17 sa pangkalahatang standing ng Women’s Tennis Association (WTA) bago ang kanyang pagsabak sa WTA 250 Hong Kong Open.

Batay sa opisyal na rankings na inilabas nitong Lunes, umangat si Eala mula sa No. 19 patungong No. 17 dala ang kabuuang 2,289 points.

Nalagpasan ng Filipina netter ang kanyang dating career-best na No. 18 matapos makatuntong sa quarterfinal finish ng katatapos lamang na 500 Tokyo Open.

Sa simula ng kanyang kampanya sa Hong Kong, nakatakdang harapin ni Eala si world No. 59 Alycia Parks ngayong Martes.

Matatandaang unang naabot ni Eala ang No. 18 spot noong Agosto 24 kasunod ng Cincinnati Open, ngunit bahagyang bumaba sa No. 20 noong Oktubre 19 matapos magtamo ng upset losses sa Singapore at Wuhan.

Mabilis namang nakabawi sa kanyang porma ang left-handed star sa Tokyo Open upang maitala ang isang breakthrough appearance ngayong Asian Swing.