-- Advertisements --

Inaasahang may mga hahabol na mga byahero para sa pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsya para a Undas 2026.

Ayon kay PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, nasa 50% pa lamang ng mga biyahe ang fully booked kaya marami pang bus trips ang maaaring tumanggap ng mga pasahero kaya naman para sa mga hahabol na byahero ay may masesecure pang mga tickets.

Partikular namang tiniyak ng PITX ang sapat na biyahe patungong Bicol Region na isa sa mga dinadagsang destinasyon tuwing holiday season.

Sinabi ni Calbasa na maaga silang nakipag-ugnayan sa mga bus company upang matiyak na may sapat na mga bus at maiwasang may mga pasaherong ma-stranded sa terminal.

Batay sa pinakahuling tala ng terminal umabot na sa 1.1M na mga pasahero ang dumaan sa terminal mula October 25.