Itinanggi ni Brazilian Senator Flávio Bolsonaro na tumakas siya sa kaniyang bansa at lumipat na ng tirahan sa US.
Paglilinaw nito na hindi niya iniwanan ang Brazil at ito ay para na rin sa kapakanan ng Brazil.
Una ng binigyan siya ng US ng visas kasama ang pamilya nito matapos na kanselahin ng Brazil ang kaniyang pasaporte bilang bahagi ng kanilang crime investigation.
Mariing itinanggi ni Bolsonario ang nasabing mga alegasyon ng mga anomalya.
Inamin rin ni US President Donald Trump na kaya nila binigyang ng pases si Bolsonario para makapunta sa US.
Habang binatikos ng bagong halal na pangulo ng Brazil na si Luiz Inacio Lula da Silva ang pag-alis ni Bolsonario at sinabing kung wala itong tinatago ay dapat na hindi ito umalis sa kanilang bansa.
Giit ni Bolsonario na tinakasan lamang ang nasabing rehimeng Da Silva dahil tiyak na gigipitin ito ng bagong halal na pangulo.
Tinawag niya ang sarili bilang biktima ng coup d’etat at political persecution at ang pagbiyahe niya sa US ay para maprotektahan ang kaniyang pamilya.
















