-- Advertisements --

Dinagdagan ng Philippine National Police (PNP) ang bilang ng mga kapulisan na kanilang ipapakalat para sa obserbasyon ng All Saint’s day at All Souls Day sa Nobyembre 1 at 2.

Sinabi ni PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na mayroon ng 73,034 na bilang kanilang itatalaga.

Ito ay mas mataas sa naunang bilang na mayroong 72, 501.

Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang ginagawang assesement kung saan maaring sa mga susunod na araw ay madagdagan pa ang mga ito.

Ang nasabing bilang ay bukod pa sa ilang mga ahensiya gaya ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines at ilang mga tinatawag nilang force multipliers.

Magpapatupad na sila ng full alert status sa buong bansa mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2.