-- Advertisements --

Nalasap ng Detroit Pistons ang una nitong pagkatalo ngayong season sa kamay ng defending champion na New York Knicks, 111-97.

Bagaman sinimulan ng Pistons ang unang quarter sa impresibong opensa (38-125), bigla itong dumanas ng defensive breakdown sa 2nd at 3rd quarter ng laban.

Tanging 12 points lamang ang naipasok ng koponan sa ikalawang quarter at sinundan ito ng 13 points sa ikatlong quarter. Sa pagtatapos ng 3rd quarter, natambakan na ito ng 25 big points.

Pinilit naman nitong bumangon sa 4th quarter ngunit tanging 11 points na lamang ang nabura ng koponan.

Ito ang unang panalo ng defending champion matapos ang apat na magkakasunod na laban. Sa naturang laban, gumawa ng double-double ang bigman na si Karl-Anthony Towns – 27 points, 20 rebounds.

Sa kabilang banda, nalimitahan lamang sa 12 points si Detroit sharpshooter Duncan Robinson kung saan tanging apat na field goals ang kaniyang nagawa mula sa 14 attempts.

Nagkasya naman sa 19 points, siyam na rebounds, at walong assists si Pistons star Cade Cunningham, habang tanging dalawang puntos ang kontribusyon ng batikang forward na si John Collins.

Naipanalo ng defending champion ang naturang laban sa kabila ng 18 turnovers sa kabuuan. Ito ang unang panalo ng naturang koponan, hawak ang tatlong pagkatalo.