-- Advertisements --

Iginiit ni Sen. Raffy Tulfo ang paglalagay ng speed humps sa mga pedestrian lane upang maiwasan ang mga aksidente at pagkamatay ng mga tumatawid sa kalsada.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ngayong Miyerkules, Oktubre 28, sinabi ni Tulfo na patuloy pa rin ang mga insidente ng pagkakasagasa sa mga pedestrian lane dahil sa mga motoristang hindi humihinto upang magbigay-daan sa mga tumatawid.

Ayon sa senador, matagal na niyang iminumungkahi ang paglalagay ng mga speed hump sa mga tawiran bilang isang simpleng hakbang upang mapabagal ang takbo ng mga sasakyan at mapaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat.

Binigyang-diin ni Tulfo na hindi dapat balewalain ang kaligtasan ng mga pedestrian, lalo na sa mga lugar na may nakatalagang tawiran.

Umaasa ang senador na mabibigyang-pansin ang panukala upang makatulong na maiwasan ang mga aksidente at maprotektahan ang buhay ng mga naglalakad.