Naglatag na ng mga paalala si Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso para sa darating na Undas 2026.
Inanunsyo ng alkalde na hanggang ngayon na lamang muna ang huling araw ng paglilibing sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.
Ayon sa alkalde, mula alas-singko ng umaga hanggang alas-otso ng gabi mananatiling bukas ang naturang mga sementeryo sa October 29 hanggang November 2, 2026.
Gayunpaman, balik sa regular na serbisyo ang mga ito sa ikatlo ng Nobyembre pagtapos ng obserbasyon sa Undas ngayong taon.
Paalala ni Mayor Isko na anumang uri ng sasakyan ay hindi na pahihintulutan makapasok sa sementeryo sa mga nabanggit na araw.
May inihandang ‘transport service’ na maghahatid lalo na sa mga ‘senior citizens’ patungo o papalapit sa bibisitahin puntod sa sementeryo.















