Asahan ang panibagong pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong eroplano sa susunod na buwan.
Ito ay matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa darating na buwan ng Nobyembre.
Ayon sa CAB, na nakataas na sa Level 17 ang fuel surcharges mula Nobyembre 1 hanggang 15.
Ang nasabing level ay mas mataas mula sa dating Level 16 mula Oktubre 16 hanggang 31.
Sa Level 17 ay maniningil ang mga airlines ng mula P559 hanggang P1,635 kada pasahero para sa domestic flights.
Habang mayroong P1,846.10 hanggang P13,726.58 ang dagdag na babayaran para sa mga international flights.
Mas mataas ito mula sa level 16 na mga surcharges na mayroong P525 hanggang P1,535 para sa domestic flights habang mayroong P1,733.76 hanggang P12,891.29 para sa international flights.
Ang mga surcharges ay sinisingil ng mga airline companies dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong langis sa bansa.














