-- Advertisements --
Nanawagan ng tulong ang kaanak ng komediyanteng si Ate Gay matapos na siya ay itinakbo sa pagamutan.
Mula pa kasi noong nakaraang linggo ay nasa loob ito ng intensive care unit (ICU) sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ang komediyanteng si Gil Aducal Morales sa tunay na buhay.
Umabot umano na sa mahigit P2.4 milyon ang babayaran sa nasabing pagamutan.
Sa social media account ng kaniyang kaanak ay ibinahagi nila ang kopya ng hospital bills kasama ang apila ng tulong.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagsagawa ng komedyante ng ‘living funeral’ na dinaluhan ng mga malapit na kaibigan nito para malaman niya ang mga mensahe nila sakaling pumanaw na ito.















