-- Advertisements --

Ibinahagi ng komedyanteng si Ate Gay ang panibagong sakit nito.

Ayon sa komedyante nakadiskubre ang kaniyang doctor na isang bukol sa kaniyang leeg.

Dahil dito ay agad siyang isinailalim sa gamutan kasabay ng kaniyang pakikipaglaban sa stage 4 cancer lalo na ang mucoepidermoid carcinoma.

Dagdag pa nito na sumailalim siya sa CyberKnife treatment na isang non-invasive treatment na isang non-invasive procedure para magamot ang cancerous at non-cancerous tumors.

Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na ang bagong diagnosis ay hindi pipigil sa kaniyang kahiligan na ginagawa.