-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Toray Pan Pacific Tennis Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Mika Stojsavljevic sa score na 6-1, 6-2.
Dominado ng Pinay tennis star ang laro kung saan tinapos nito sa loob ng isang oras at 15 minuto.
Sinabi nito na nakatuon ang atensyon niya sa bawat puntos.
Pinilit pang makaabot ang British tennis player subalit lubhang naging matindi ang bawat palo sa bola ng Pinay tennis player.
Susunod na makakaharap nito si Talia Gibson ng Australia na siyang nasa ranked world 38.














