-- Advertisements --

Namataan ang anim na dugong at limang green sea turtles o pawikan sa baybayin ng Kalamansig, Sultan Kudarat sa isinagawang monitoring activity ng DENR Community Environment and Natural Resources Office nitong Miyerkules, Oktubre 21.

Layon sana lamang ng tanggapan na tutukan ang mga marine turtles nang makuhanan ng mga ito sa pamamagitan ng isang drone ang mga naturang hayop na naghahanap ng pagkain sa baybayin ng Poral.

Batay pa rito, tumaas pa anila ang bilang ng mga dugong sa lugar kung saan ngayong semestre, umabot sa anim na dugong ang kanilang namataan kumpara sa isang dugong noong nakaraang semestre — bagay na nagpapakita anila ng kahalagahan ng katubigan ng Kalamansig sa marine biodiversity.

Patuloy naman ang ahensiya sa pagkalap ng mga impormasyon na maaari nilang magamit sa pagpapangalaga at pagprotekta sa mga nanganganib na hayop tulad ng mga ito.

“To ensure their continuous safety, the DENR advises the public that both species are strictly protected under Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act), which bans harming, hunting, or trading them. Any wildlife sightings, strandings, or violations should be reported immediately to the authorities to support local conservation efforts,” paalala ng DENR.