Nagtipon-tipon ang higit 300 photographers, camera enthusiasts, at hobbyists sa Intramuros, Maynila para sa isang photowalk nitong Sabado, Oktubre 24.
Kaugnay ito ng pormal na pagpapahintulot ng Department of Tourism (DOT) sa paggamit ng professional cameras sa makasaysayang lugar kahit walang kaukulang permit.
Bahagi rin ito ng inisyatiba ng Intramuros Administration, katuwang ang CameraHaus, na himukin ang mga turista na makilahok sa pagkwento ng kasaysayan ng Intramuros sa pamamagitan ng kanilang mga kuhang larawan.
Samantala, paalala naman ng DOT ang pagsunod sa mga patakaran at alituntinin sa pagkuha ng mga litrato tulad ng paggamit ng flash sa ilang mga lugar upang mapanatili ang pangangalaga sa mga makasaysayang gusali at mga koleksyon sa mga museo nito.














