-- Advertisements --

Nanawagan si North Korean leader Kim Jong UN na gawing elite at kayang kumilos nang nagsasarili ang bawat kompanya ng kanilang hukbo upang higit na mapalakas ang kakayahang militar ng bansa.

Ginawa ni Kim ang panawagan sa dalawang araw na pagpupulong ng mga company commander sa pyongyang noong Oktubre 22 hanggang 23.

Hinimok ni Kim ang bawat yunit na lubusang maghanda upang maisakatuparan ang bagong yugto ng pagpapalakas ng militar.

Nanawagan din siyang bumuo ng pinakamalakas na hukbo at pabilisin ang tinawag niyang “Military revolution” ng North Korea.

Sa kongreso ng naghaharing partido noong Pebrero, itinulak din ni Kim ang pagpapalakas ng conventional forces ng bansa, kasabay ng pagpapatuloy sa pagpapaunlad ng mga sandatang nukleyar at missile.