Kinumpirma ng Philippine Air Force ang pagkasawi ng apat na piloto matapos ang “aviation accident” sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas kahapon, araw ng Biyernes, Oktubre 23.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Air Force sa pamilya ng mga pilotong nasawi sa aksidente habang isinasagawa ang training flight dakong 3:51 ng hapon.
“May our fallen aviators’ courage, dedication, and service be remembered, and may their souls rest in eternal peace,” ayon sa statement ng Philippine Air Force.
Parehong bumagsak ang dalawang aircraft sa base perimeter ngunit namang iba pang casualties ang naiulat.
“Both aircraft went down within the base perimeter, with no other casualties reported. As a precautionary safety measure all SF-260 aircraft have been temporarily grounded” ayon pa sa PAF.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng insidente, habang ang lahat naman SF-260 aircraft ay pansamantalang hindi na muna gagamitin bilang bahagi ng precautionary safety measure.















