-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magaganap na pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin ng hanggang Disyembre 31.

Sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque, na ito ang naging pangako sa kaniya ng grupo ng mga manufacturers.

Ito ay epektibo sa lahat ng mga tinatawag na basic at prime commodities gaya ng mga sardinas, gatas, kape, noodles, asin, sabon, laundry soap, at ilang mga sangkap sa pagkain.

Pinapanatili umano ng mga manufacturers na stable ang presyo kahit na mayroong mataas na presyo ng mga fuel at raw materials.

Pagtitiyak din ng Kalihim na walang dapat ikabahala sa suplay at hindi rin dapat mag-hoard ng mga produkto.