-- Advertisements --

Hindi makikilahok sa 75th Miss Universe pageant na gaganapin sa Puerto Rico ang anim na bansa mula sa Southeast Asia.

Binubuo ito ng mga bansang Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore, at Laos.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang pagkakaroon ng alitan ng mga bansa sa executives ng pageant.

Ang nasabing hindi pagsama ay galing sa Miss Universe Organization (MUO) na mayroong alitan sa Miss Universe Eastern ang regional division na pinangungunahan ng Miss Grand International founder na si Nawat Itsaragrisil.

Ipinagpilitan kasi ni Raul Rocha ng MUO, na hindi otorisado ang pag-bibigay ng prankisa sa Miss Universe Eastern sa mga Southeast Asian countries.

Paglilinaw ng MGI na ipagpapatuloy pa rin ng anim na babae ang kanilang titulo at responsibilidad sa kanilang mga bansa.