-- Advertisements --

Lalo pang humina ang Super Typhoon Rosal habang patuloy na kumikilos West Northwestward sa Philippine Sea sa silangan ng Batanes.

Batay sa lahat ng available data, ang sentro ng mata ng bagyo ay huling tinatayang nasa 400 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 km/h habang taglay ang maximum sustained winds na 185 km/h malapit sa sentro at gustiness na umaabot sa 230 km/h.

Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes at sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands.

Samantala, nakasailalim naman sa Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, Dinapigue), Ilocos Norte, at Apayao.