-- Advertisements --
Mahaharap ngayon sa panibagong hamon si Pinay tennis star Alex Eala sa Ningbo Open.
Makakaharap kasi niya sa ikalawang round si world number 13 na si Diana Shnaider ng Russia.
Ito ang unang pagkakataon na makakarap ni Eala ang 22-anyos na Russian tennis player.
Gaganapin ang laro ng dalawa sa oras ng 1 ng hapon nitong Oktubre 21.
Magugunitang nakapasok sa ikalawang round ng torneo ang 20-anyos na si Eala matapos na talunin si Diane Parry ng France sa unang round.
Sakaling magwagi si Eala ay pasok na siya sa quarterfinals ng nasabing torneo.
















