Pumanaw na ang Australian model at swimwear designer na si Sahara Ray sa edad na 34.
Kinumpirma ito ng kaniyang mga kaanak subalit hindi na nagbigay pa ng dahilan ng kamatayan nito.
Sumikat si Ray sa pagiging model at social media influencer.
Dumami pa ang kaniyang followers matapos ang ilunsad ang sariling swimwear brand na Sahara Ray Swim.
Noong 2016 ay naging usap-usapan ang pakikipagrelasyon niya kay Justin Bieber matapos na makita silang magkasamang nagbakasyon sa Hawaii.
Naging usapin din ang pakikipagrelasyon niya sa Australian singer na si Cody Simpson.
Siya ay anak ng legendary Australian surfer na si Tony Ray kung noong bata pa ito ay sumasama siya sa kumpetisyon ng ama sa California, Australia at Hawaii.
Taong 2024 ng ibinunyag niya ang pakikipaglaban sa Guillain-Barré syndrome na isang kakaibang neurological disorder na naging paralisado ang ilang bahagi ng katawan niya na kaniyang natamo sa car accident.
















