Nakatanggap na ng clearance si Australian tennis star Nick Kyrgios para makapaglaro muli.
Kasunod ito sa pagtatapos ng kaniyang one-month ban dahil sa paggamit ng cocaine at pagpasok na rin sa treatment program.
Noong Hunyo 22 ay bumagsak ang 31-anyos na sa doping test sa isang ATP event sa Mallorca.
Matapos niyang aminin na nagkaroon ito ng pagkakamali ay sinuspendi siya ng International Tennis Integrity Agency (ITIA) noong Agosto4.
Sinabi naman ng doping agency na gumamit ito ng nasabing droga habang nasa night out bago ang kaniyang paglalaro sa Mallorca.
Tinanggap ng World Anti-Doping Agency (WADA) -accredited laboratory ang paliwanag ni Kygios dahil sa naging parehos ang level ng cocaine sa kaniyang sample.
Sa ilalim kasi ng WADA ruling na ang default suspension ay aabot ng tatlong buwan subalit ito ay mababawasan kapag ang indibidwal ay pumayag na pumasok sa isang treatment program.
















