-- Advertisements --

Muling babalik bilang head coach ng Philippine men’s national volleyball team si Dante Alinsunurin matapos inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pagbabago sa pamumuno ng Alas Men at Alas Women.

Ayon kay PNVF executive director Atty. Miguel Carlos Pacifico Suarez, muling pagkakatiwalaan si Alinsunurin sa pangunguna sa Alas Men, pitong taon matapos niyang pamunuan ang koponan sa makasaysayang pagkamit ng silver medal sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.

Papalitan ni Alinsunurin ang Italian mentor na si Angiolino Frigoni, na itatalaga naman bilang head coach ng Alas Women.

Bahagi ang pagbabagong ito ng mas malawak na paghahanda ng PNVF para sa pangmatagalang programa ng pambansang koponan, lalo na sa nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa 2029 FIVB Volleyball World Championship.

Samantala, inaasahang gagampanan ni Frigoni ang pamumuno sa Alas Women.