-- Advertisements --

Umagaw ng malaking pansin mula sa mga tagahanga ang sikat na American personality na si Kim Kardashian matapos niyang piliin ang Pilipinas bilang destinasyon ng kanyang birthday getaway.

Ipinasilip ni Kim ang mga larawan habang nakatanaw sa malinaw na karagatan, nag-scuba diving, at naglalayag sakay ng bangka.

Inilarawan ng kilalang personalidad ang kanyang bakasyon sa caption na “Philippines Birthday Adventures,” kung saan ipinakita rin nito ang panonood ng fireworks sa isang outdoor dinner at paghipan ng kandila sa kanyang birthday cake sa tabi ng dalampasigan.

Kanya-kanyang espikulasyon tuloy kung saan sa Pilipinas ang naging bakasyon ng American celebrity.

Matatandaang naging maingay rin ang pangalan ni Kim nitong nagdaang Hunyo matapos niyang pormal na i-hard launch ang kanyang pakikipagrelasyon sa seven-time Formula One world champion na si Lewis Hamilton.

Kilala si Kim mula sa isang reality sa show sa Estados Unidos.