-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbuo ng fast lane para mapabilis ang paglalabas ng mga legal na inaangkat na produktong agrikultural sa bansa.

Layunin nitong mapabilis ang pagdating sa merkado ng mga suplay ng pagkain at makatulong na maiwasan ang kakulangan sa bigas at gulay sa harap ng posibleng epekto ng El Niño.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, kailangang pabilisin ang proseso para sa mga imported na produktong pagkain kung magkakaroon ng kakulangan sa suplay.

Gayunman, nilinaw niyang kailangang kumpleto ang mga permit at nasusunod ng mga importer ang lahat ng itinakdang rekisito.

Sinabi rin ng Customs Chief na pag-aaralan ng ahensya ang panukala bilang suporta sa mga programa ng Department of Agriculture.