Tinawag ni Senate President Win Gatchalian na “bulag” ang pamahalaan pagdating sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo dahil sa kawalan nito ng sapat na visibility sa presyo ng mga pribadong oil companies.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, iginiit ni Gatchalian na mahalagang matukoy ang aktuwal na purchase price ng langis upang masuri kung makatarungan ang presyong ipinapasa sa mga mamimili.
Ipinaliwanag din niya na makatutulong ang unbundling o paghihiwalay ng mga sangkap ng presyo upang makita ang gastos mula sa pagbili ng langis hanggang sa transportasyon at pagbebenta nito sa mga gasolinahan, kabilang ang mga lugar na malalayo sa Metro Manila.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang magkaroon ang pamahalaan ng mas malawak na visibility at kapangyarihang magbantay sa presyo ng langis.















