Iginiit ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng truth, justice at accountability kasunod ng pag-withdraw ng House prosecution panel sa tatlo sa apat na articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Go, nais niyang makita ang isang patas na paglilitis at mabigyan ng pagkakataon ang magkabilang panig na maipahayag ang kanilang mga argumento.
Kung nakapaghain na ng mga ebidensya at testimonya ang prosekusyon, nararapat lamang na mabigyan din ng pagkakataon ang depensa na marinig at maipresenta ang kanilang panig.
“Gusto natin makakita ng isang pantay at pantas na laban, kung nakasuntok na yung kabila bigyan mo naman ng pagkakataon na lumaban naman yung kabila ng patas,” saad ni Go
Binigyang-diin din ng senador na mas makabuluhan ang isang laban kung parehong nabibigyan ng pagkakataong lumaban ang magkabilang panig.














