Inihayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na patuloy ang paghahanda ng ahensya laban sa banta ng El Niño at sa mga posibleng epekto nito sa supply ng kuryente sa bansa.
Ipinaliwanag ng kalihim na nakahanda ang DOE sa pamamagitan ng Task Force on Energy Resiliency upang pangunahan ang mga hakbangin para sa seguridad sa enerhiya.
Kabilang sa mga pangunahing tugon ng ahensya ang pagsusulong ng energy savings at ang pagpapagana ng Interruptible Load Program (ILP).
Sa ilalim ng programa, inihahanda ang mga generator set, kasama ang pagpapadala ng karagdagang battery storage systems at power barges sa Visayas.
Binigyang-diin ni Garin na bagamat nananatiling stable ang supply sa Visayas, bumaba ng 60% ang kapasidad ng hydro power at 20% naman sa solar energy.
Ang mga paggalaw na ito ay nagdudulot ng bawas sa kabuuang supply ng kuryente na patuloy na binabantayan at ginagawan ng paraan ng ahensya.















