-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranang aktres na si Erlinda Villalobos sa edad na 84.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Sa kanilang social media account ay inalala nila ang mga magagandang nagawa ng aktres.
Nakilala ang aktres ng bumida ito sa pelikulang ” Manang Biring”.
Nagwagi ang pelikula bilang Best Picture , best Music at Champion Bughaw Award sa Cinema One Originals Digital Film Festival.
Nakasama rin ito sa mga iba’t-ibang television drama.











