-- Advertisements --

Makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala ang ilang mga pamilyar na mukha sa Wuhan Open.

Matapos ang draw nitong Sabado ay mayroong posibilidad na makaharap nito si Filipino-Canadian tennis star LeyLah Fernandez at world number 3 Jessica Pegula.

Kagagaling lamang ni Eala sa WTA1000 bilang 13th seed at hinihintay nito ang makakaharap sa unang round ng torneo.

Nasa Section 4 kasi ang Pinay tennis star kung saan maaring makaharap nito si Fernandez kapag manalo ito kay Ekaterina Alexandrova.

Nagkaharap na sina Eala at Fernandez sa Round of 16 ng Mubadala DC Open kung saan nagwagi si Eala sa score na 6-2, 7-6(1).

Maaring sa ikatlong round ng torneo ay makakaharap nito ang American tennis star matapos na makapasok ito sa seed number 2.

Parehas na mayroong isang panalo at isang talo na sina Eala at Pegula sa dalawang pagkakataon na sila ay nagharap.