SP Gatchalian, sinabing layunin ng paglipat ni Sen. Mark Villar sa mayorya ang stabilidad ng Senado
Inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na sumama si Senador Mark Villar sa Majority bloc upang makatulong sa pagpapanatili ng katatagan ng Senado at tuloy-tuloy na paggawa ng mga batas.
Ayon kay Gatchalian, matagal na silang magkaibigan ni Villar at madalas pag-usapan ang direksiyon ng Senado, kabilang ang mga hakbang para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Inilarawan din ni Gatchalian si Villar bilang isang bihasang negosyante at economist na may master’s degree sa business economics, na makatutulong sa majority bloc.
Pormal na lumipat si Villar sa mayorya noong Oktubre 8 matapos mahalal na Chairman ng Senate committee on public works at maging miyembro ng commission on appointments, kapalit ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri sa huling posisyon.
Dahil sa paglipat, naging 14 ang miyembro ng majority bloc habang 10 naman ang nasa minorya.
Gayunman, naganap ang realignment habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kaya may mga tanong kung makaaapekto ito sa mga paglilitis.















