Sinabi ni forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera na may magkakaugnay o magkakatulad na shareholders ang Metro City Chow Foods Corporation at GenCorp Industries Inc., mga kumpanyang may interes umano si Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni House prosecutor Atty. Chel Diokno kung paano niya natukoy ang 20-porsiyentong share ni Duterte sa GenCorp, ipinaliwanag ni Cabrera na hindi nakalista ang pangalan ng bise presidente sa General Information Sheet ng kompanya, bagama’t isinama niya ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
AV 1- ATTY CABRERA ON GENCORP
Ayon kay Cabrera, posibleng may kinatawan o nominee si Duterte na may hawak ng kanyang shares. Itinuro niya si Ricci Evette Cruz, na may 0.04-porsiyentong share sa Metro City Chow Foods Corporation at 20-porsiyentong share naman sa GenCorp, bilang posibleng nominee.
Dagdag ni Cabrera, may malaking halaga ang GenCorp dahil nagpapatakbo ito ng limang sangay ng isang fast food chain. Tinataya niyang nasa P35 milyon hanggang P50 milyon ang halaga ng prangkisa para sa isang sangay.















