-- Advertisements --

Isinusulong ng kinatawan ng unang distrito ng Marikina na si Rep. Marcy Teodoro ang panukalang scholarship program para sa mga guro at kanilang mga anak. 

Kanyang muling inihain ang House Bill No. 10954, o ang Public School Teachers Scholarship Grant Act na unang isinumite noon ng asawang si Marikina Mayor Maan Teodoro. 

Layon sa panukala na mabigyan ng tuloy-tuloy na suporta ang mga ‘public school teachers’ sa kanilang professional development at pati edukasyon ng mga anak. 

Susuportahan na makakuha ang mga guro sa pampublikong paaralan ng mas mataas na degree at educational assistance sa kanilang mga bata. 

Bibigyan ang lahat ng kwalipikadong guro ng scholarship para sa master’s at doctoral degree programs na iniaalok ng mga state university at college na accredited ng Commision on Higher Education. 

Naniniwala si Rep. Teodoro na panahon na para saluhin ng estado ang hirap para matulungan ang mga guro sa Pilipinas.