-- Advertisements --

Patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan gayundin ng mga pag-ulan at thunderstorms ang ilang parte ng Visayas at Mindanao, ngayong Lunes dulot pa rin ng trough ng super typhoon Choi-wan. Habang makakaranas naman ang Luzon ng generally fair-weather o maayos na lagay ng panahon ayon sa state weather.

Sa 5 a.m. weather forecast ng PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, inaasahang papalayo na ang super typhoon Choi-wan sa Pilipinas, ngunit nananatili pa rin itong nasa labas ng Philippine area of responsibility.

“Dahil sa trough ng bagyo, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Mindanao, gayundin sa Negros Island Region, Western Visayas, Central Visayas, Southern Leyte, at Leyte,” ayon pa kay Aurelio.

Makakaapekto ang trough sa bansa hanggang ngayong Lunes. Habang sa Martes naman, maaapektuhan ang Palawan, Visayas at ng Mindano ng intertropical convergence zone, o ITCZ. Samakatuwid, ang convergence ng hanging o ang pagsasalubong ng hangin ng northern at southern hemispheres, na makakaapekto sa Palawan, Visayas, at Mindanao.