-- Advertisements --

Mabilis na-sold out ang tickets para sa Glastonbury Festival 2027.

Ayon sa organizers na sa loob ng 42 minuto mula ng buksan ang bentahan ng tickets ay naubos agad ito.

Ilang libong mga katao ang sumali sa pilahan sa online na umaasang makakuha ng tickets sa sikat na festival na ginaganap sa Worthy Farm sa Somerset, United Kingdom.

Ang pinakamahal na presyo ng tickets sa nasabing festival ay aabot sa mahigit P32,000.

Gaganapin ang nasabing festival mula Hunyo 23 hanggang 27.

Wala pang anunsiyo ang organizers kung sino-sino ang mga artista at banda na kanilang inimbitahan para magtanghal.