Hindi dapat magbulag-bulagan ang isang lider o opisyal ng pamahalaan kung may nakikita na itong anomalya sa kaniyang sinasakupan at hindi maaring gamitin ang kawalan ng kaalaman.
Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire, maaaring mangyari ito sa simula na wala talagang alam ang isang pinuno at kumilos ito nang may mabuting hangarin. Ngunit kapag may lumilitaw nang mga iregularidad, hindi na maaaring “magtulog-tulugan” at sabihing walang alam o walang pakialam.
Tugon ito ni Usec Castro ng tanungin kaugnay sa pagharap ni Davao City Mayor Baste Duterte sa impeachment court kahapon kung saan sinabi nito na wala siyang alam na ang kaniyang kapatid na si VP Sara ay mayruong financial interest sa kumpanyang GenCorps Industries Incorporated.
Binanggit ni Castro ang Arias v. Sandiganbayan, na maaaring gamitin ang doktrina kapag ang kawalan ng kaalaman ay nangyari nang hindi madalas at nasa good faith ang opisyal.










