-- Advertisements --
Umabante sa quarterfinals ang Alas Pilipinas women’s beach volleyball tandem nina Khylem Har Progella at Sofiah Shanine Pagara matapos talunin ang Hong Kong sa kanilang Round of 16 match.
Tinalo ng Filipina duo sina N.L Tsang at M.C Wong sa straight set na 26-24 at 21-18, isinagawa ang laban sa Hekinan Ryokuchi Beach Court.
Naging dikit ang unang set kung saan kinailangang paghirapan ng Pilipinas ang 26-24 na panalo bago tuluyang makuha ang momentum sa ikalawang set at tapusin ang laban sa iskor na 21-18.
Opisyal nang nakakuha sina Progella at Pagara ng puwesto sa quarterfinals ng Asian Games.
Sunod na makakalaban ng Pilipinas sa knockout match, ang host country na Japan.















