-- Advertisements --

Nabigo ang Alas Pilipinas Men’s sa kanilang unang laban kontra South Korea sa Men’s Volleyball Pool D ng 2026 Asian Games, matapos matalo sa tatlong set, 16-25, 25-27, 22-25.

Nahirapan ang Pilipinas sa unang set dahil sa mga service errors na sinamantala ng South Korea para kunin ang 25-16 na panalo.

Mas naging dikit ang second set, agad na nakapag tala ang Pilipinas ng 4 na kalamangan ngunit nabawi ito ng Korea sa huling bahagi ng set hanggang sa nakalamang ito sa score na 21-20, matapos ang 3-0 run at ilagay ang Pilipinas sa alanganin. Nakipagsabayan ang Alas Pilipinas hanggang sa dulo, ngunit nakuha ng Korea ang set, 27-25.

Sa third set, muling lumaban ang Pilipinas ngunit hindi na napigilan ang South Korea na isara ang laban sa 25-22.

Nanguna sa opensa ng Pilipinas si Alas Pilipinas Men’s team captain Bryan Bagunas na may 15 points, habang nagtala sina Joshua Magalamaan ng 13 points at Leo Ordiales ng 11 points at Marck Espejo ng 7 points

Kasama ng Pilipinas at South Korea sa pool D ang China at Chinese Taipei