Nagtapos sa makasaysayang silver medal finish ang kauna-unahang Philippine women’s 3×3 basketball team sa 2026 Asian Games matapos matalo sa host country na Japan, sa score na 21-11, sa gold medal match.
Bagama’t hindi nasungkit ng Gilas Women ang gintong medalya, naging makabuluhan ang kanilang kampanya matapos makapasok sa finals at makapag-uwi ng silver medal sa kanilang unang pagsabak sa Asian.
Pinangunahan ni Yuki Hirashita ang Japan sa finals matapos magtala ng siyam na puntos, habang nagdagdag si Sakura Horiuchi ng walong puntos. Sina Yamamoto at Nishi ay kapwa nagtala ng tig-dalawang puntos para sa mga host.
Para sa Pilipinas, nanguna si Quinn Dela Rosa na may anim na puntos at tatlong rebounds. Nag-ambag naman sina Amyah Espanol ng tatlong puntos at Kennan Ka ng dalawang puntos, habang hindi nakapagtala si Pasilang.















