-- Advertisements --

Sinuspendi ng Malacañang ang pasok sa gobyerno sa darating na Setyembre 28.

Ayon sa Memorandum Circular 136 na pirmado ni Executive Secretary Ralph Recto na magsisimula ang suspensiyo ng pasok ng ala-1 ng hapon para sa 34th National Family Week.

Base kasi sa Proclamaton 326 na ipinasa noong 2012 na idinedeklara tuwing ikaapat na Lunes ng Setyembre bilang “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.

Lahat ng opisina ng gobyerno kabilang ang government-owned o controlled corporation at state universities and colleges ay kabilang sa nasabing suspensiyon ng pasok.

Hindi naman kasama ang mga opisina na nagbibigay ng basic at health services and disaster responses.

Hinikayat din ng Palasyo ang mga manggagawa ng gobyerno sa executive branch na suportahan ang aktibidad na may kinalaman sa National Family Week.