-- Advertisements --
Nagpasya ang English singer na si Ed Sheeran na magbigay ng donasyon para sa mga Palestino na naiipit sa dahil sa pag-atake ng Israel.
Una kasing nagbigay ng donasyon ang singer na si Macklemore na aabot sa $1-M sa kikitain nito sa konsiyerto kasama si Sheeran.
Subalit makalipas ng ilang araw ay nag-anunsiyo ang organizers na hindi na ito makakasama sa konsiyerto.
Isa sa mga dahilan umano nito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga Palestino.
Dinoble naman ni Sheeran ang donasyon ni Macklemore at ginawa niya itong $2-M.
Kahit na umatras na ang ilang mga singers at artista na magperform sa show ni Sheeran ay itutuloy pa rin niya ito sa Philadelphia.















